Friday, November 26, 2021

“Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo” (Ni Rolando A. Bernales)

CASIO, HIZEL JANE P. 

BSCRIM 2-E 


“Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo”

(Ni Rolando A. Bernales)


Ang pagiging bakla ay habambuhay

Na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo.

Papasanin mo ang krus sa iyong balikat

Habang ngalalakad sa kung saan- saang lansangan.

Di laging sementado o aspaltado ang daan,

Madalas ay mabato, maputik o masukal.

Mapalad kung walang magpupukol ng bato o

Mangangahas na bumulalas ng pangungutya.

Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap

O bulung- bulungan at matutunog na halakhak.

Di kaialangang lumingon pa, di sila dapat kilalanin

Sapagkat sila’y iba’t ibang mukha: bata, matanda

Lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap,

Kilala o di kilala.

Sinong pipigil sa kanila? Hindi ikaw

Anong lakas meron ka upang tumutol?

Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong palad

At ang iyong paa’y ipinako na ng lipunan

Sa likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwalang

Nagdidiktang ang pagiging bakla ay isang kasalanan

Na nararapat na pagdusahan sa krus ng kalbaryo

Kahit na ika’y magpumilit na magpakarangal?!


PAGSUSURI

1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?

     Ang tulang may pamagat na “Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo” ay isinulat ng may-akda upang ipakita sa mga mambabasa kong ano ang katayuan ng mga bakla, na siyang nagpapakilala bilang LGBTQ sa ating lipunan, ano katotohanan at paghihirap na kanilang nararanasan sa mga matang naka bantay at mapanghusgang isipan. Sa tula inihalintulad ang lahat ng kanilang pighati, sa pangungutya, panlalait at pananakit ng mga taong hindi sila tanggap sa isang krus na kanilang pasan-pasan, na siyang sumisimbolo ng kanilang kahinaan ngunit pinanghuhugotan din ng kanilang kalakasang lumaban.


2. Sino ang sinasabi sa tulang iba't ibang mukha? Ano ang ginagawa nila?

     Ang sinasabi sa tula na iba’t ibang mukha ay ang mga bata, matanda, lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap, kilala o di kilala na siyang bumubuo sa lipunan, na kong saan lahat ng mga ito ay may mga matang mapanghusga, sarado ang isipan sa pagbibigay karapatan sa bawat indibidwal kahit ano pa man ang kasarian, ang kanilang ginagawa lamang ay ang pagbabantay sa maling magagawa ng kanilang kapwa. Halimbawa na dito ang mga kabilang sa LGBTQ, alam natin na sila ang unang-unang biktima ng pag abuso o diskriminasyon, hindi tanggap ng lipunan at hindi nabibigyan ng kalayaan. Ngunit sa kabila nito, palagi natin tandaan na lahat tayo ay karapat-dapat bigyan ng pag respeto ano man ang kasarian at katayuan sa buhay.


3. Tukuyin ang mga sunasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwala.

         Likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwalang nagdidiktang ang pagiging bakla ay isang kasalanan na siyang pagdudusahan, dahil sa ito’y hindi katanggap-tanggap sa ating lipunan. Ang bansang Pilipinas ay kabilang sa isang relihiyosong bansa, at ang pinaniniwalaan lamang na kasarian ay babae at lalaki, at kong ating napapansin maraming mga sikat na LGBT na siyang nabibigyan lamang ng respeto dahil sa kanilang mataas na katayuan, ngunit ang mga nasa mababang sektor ng ating lipunan marami ang napagkakaitan nito, diskriminasyong dapat tuldokan. Dhil lahat tayo ay may karapatan mabuhay sa lipunan kong saan tanggap tayo at may kalayaan.



No comments:

Post a Comment

“Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo” (Ni Rolando A. Bernales)

CASIO, HIZEL JANE P.  BSCRIM 2-E  “Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo” (Ni Rolando A. Bernales) Ang pagiging bakla a...