Friday, November 26, 2021

“Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo” (Ni Rolando A. Bernales)

CASIO, HIZEL JANE P. 

BSCRIM 2-E 


“Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo”

(Ni Rolando A. Bernales)


Ang pagiging bakla ay habambuhay

Na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo.

Papasanin mo ang krus sa iyong balikat

Habang ngalalakad sa kung saan- saang lansangan.

Di laging sementado o aspaltado ang daan,

Madalas ay mabato, maputik o masukal.

Mapalad kung walang magpupukol ng bato o

Mangangahas na bumulalas ng pangungutya.

Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap

O bulung- bulungan at matutunog na halakhak.

Di kaialangang lumingon pa, di sila dapat kilalanin

Sapagkat sila’y iba’t ibang mukha: bata, matanda

Lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap,

Kilala o di kilala.

Sinong pipigil sa kanila? Hindi ikaw

Anong lakas meron ka upang tumutol?

Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong palad

At ang iyong paa’y ipinako na ng lipunan

Sa likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwalang

Nagdidiktang ang pagiging bakla ay isang kasalanan

Na nararapat na pagdusahan sa krus ng kalbaryo

Kahit na ika’y magpumilit na magpakarangal?!


PAGSUSURI

1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?

     Ang tulang may pamagat na “Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo” ay isinulat ng may-akda upang ipakita sa mga mambabasa kong ano ang katayuan ng mga bakla, na siyang nagpapakilala bilang LGBTQ sa ating lipunan, ano katotohanan at paghihirap na kanilang nararanasan sa mga matang naka bantay at mapanghusgang isipan. Sa tula inihalintulad ang lahat ng kanilang pighati, sa pangungutya, panlalait at pananakit ng mga taong hindi sila tanggap sa isang krus na kanilang pasan-pasan, na siyang sumisimbolo ng kanilang kahinaan ngunit pinanghuhugotan din ng kanilang kalakasang lumaban.


2. Sino ang sinasabi sa tulang iba't ibang mukha? Ano ang ginagawa nila?

     Ang sinasabi sa tula na iba’t ibang mukha ay ang mga bata, matanda, lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap, kilala o di kilala na siyang bumubuo sa lipunan, na kong saan lahat ng mga ito ay may mga matang mapanghusga, sarado ang isipan sa pagbibigay karapatan sa bawat indibidwal kahit ano pa man ang kasarian, ang kanilang ginagawa lamang ay ang pagbabantay sa maling magagawa ng kanilang kapwa. Halimbawa na dito ang mga kabilang sa LGBTQ, alam natin na sila ang unang-unang biktima ng pag abuso o diskriminasyon, hindi tanggap ng lipunan at hindi nabibigyan ng kalayaan. Ngunit sa kabila nito, palagi natin tandaan na lahat tayo ay karapat-dapat bigyan ng pag respeto ano man ang kasarian at katayuan sa buhay.


3. Tukuyin ang mga sunasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwala.

         Likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwalang nagdidiktang ang pagiging bakla ay isang kasalanan na siyang pagdudusahan, dahil sa ito’y hindi katanggap-tanggap sa ating lipunan. Ang bansang Pilipinas ay kabilang sa isang relihiyosong bansa, at ang pinaniniwalaan lamang na kasarian ay babae at lalaki, at kong ating napapansin maraming mga sikat na LGBT na siyang nabibigyan lamang ng respeto dahil sa kanilang mataas na katayuan, ngunit ang mga nasa mababang sektor ng ating lipunan marami ang napagkakaitan nito, diskriminasyong dapat tuldokan. Dhil lahat tayo ay may karapatan mabuhay sa lipunan kong saan tanggap tayo at may kalayaan.



Friday, November 19, 2021

“Babae ka” Ni Ani Montano, Inawit ng Inang Laya (Karina C. David at Rebecca A. Demetillo)

HIZEL JANE P. CASIO 
BSCRIM 2-E 

Babae ka”
Ni Ani Montano
Inawit ng Inang Laya (Karina C. David at Rebecca A. Demetillo)

Babae ka, hinahangad, sinasamba
Ipinagtatanggol, ikaw nama’y walang laya.
Ang daigdig mo’y lagi nang nasa tahanan
Ganda lang ang pakinabang, sa buhay walang alam.
Napatunayan mo, kaya mong ipaglaban
Ang iyong karapatan at ganap na alayaan.

Ang pinto ng pag-unlad sa ‘yo’y lagging nakasara,
Harapin mo, buksan mo, ibangon ang iyong pagkatao.
Babae ka.

Kalahati ka ng buhay.
Kung ikaw kaya’y wala saan ang buhay ipupunla?
Pinatunayan mong kaya mong ipaglaban
Ang iyong karapatan at ganap na kalayaan.

Ang pinto ng pag-unlad sa’yo ngayo’y nakabungad,
Harapin mo, buksan mo, ibangon ang iyong pagkatao.
Babae ka.

Dahil sa akala ay mahina ka, halaga mo ay ‘di nakikita.
Bisig mo man sa lakas ay kulang, ngunit sa isip ka biniyayaan.
Upang ang tinig mo’y maging mapagsaya, upang ikaw ay lumaya,
Lumaban ka. Babae, may tungkulin ka
Sa pagpapalaya ng bayan na siya nating simulain.


PAGTATYA

Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri:

1. Paano inilarawan ang babae sa awit?

    Inilalarawan ang babae sa awitin na bilang isang mahina, laging nasa tahanan at puro paganda lang ang pakinabang. Ngunit sa kabila nito sila rin ay may kakayahan at karapatan na siyang dapat nilang ipinaglalaban, kaya naman sa pamamagitan ng awiting ito ng may akda, mas nabibigyan ng lakas ng loob, at paghikayat ang mga kababaihan na ipakita sa lahat ang kanilang lakas na kayang-kayang makipagsabayan sa ano mang kasarian. 

2. Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay walang alam? Ipaliwanag.

      Hindi, dahil tulad ko bilang isang babae sa lipunan marami rin akong kayang gawin na kayang-kaya kong maipagmalaki, kong ang kanilang pinaniniwalaan lamang ay ang pagbibigay limitasyon sa kong ano man ang kayang gawin ng kababaihan, kailanman hindi nila makikita, ang kalakasan at naambag o maaambag pa ng nga kababaihan. Dahil naniniwala ako lahat tayo ay may pantay-pantay na kakayahan mapa babae man o lalaki. Ang gawain ng lalaki ay kaya rin gawin ng babae, hindi puro paganda lang kundi may silbi rin sa ating lipunan. 

3. Magbigay ng mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan.

    Para sa akin ang halimbawa na ang babae ay kayang ipaglaban ang kanilang karapatan at kalayaan sa pamamagitan ng paggawa sa panglalaking trabaho. Hindi tulad noon na ang babae ay nasa bahay lamang, at ang kalalakihan lamang ang binibigyan ng karapatan. Ngunit ngayon kahit ano paman ang kasarian lahat ay may pantay na karapatan na kaniya-kaniyang ipinaglalaban na siyang nirerespeto ng lahat. 

4. Ano-ano ang payo ng may-akda ng awit sa mga babae?

   Ang payo ng may akda sa mga kababaihan ay dapat maging matapang sa lahat ng bagay, oo maaring nakikita lamang ng karamihan ang kanilang kahinaan ngunit hindi sana ito maging hadlang para ipakita ang kanilang kakayahan. Isa rin itong paraan ng may akda upang mabigyan ng lakas ng loob ang mga kababaihan na ipaglaban ang bawat karapatan at kalayaan sa mga matang mapanghusga sa lipunan. 

5. Ayon sa awit, bakit hindi nakikita ang halaga ng mga babae? Umiiral pa rin ba sa kasalukuyan ang gayong akala?

     Hindi nakikita ang halaga ng babae sa awitin dahil, ang nakikita ng kanilang mata ay ang babaeng mahina lamang, ang kanilang isipan ay nakasara sa kong ano pa ang kalakasan at kayang gawin ng kababaihan, salungat sa kanilang pinaniniwalaan na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at walang alam sa buhay. Ngunit sa kasalukuyang panahon masasabi kong, ang lahat na ay nabibigyan ng pantay na karapatan at kalayaan ng di tulad noon. Karapatan sa edukasyon, politika, trabaho at sa lahat ng aspeto sa ating lipunan. 

Mungkahing Gawain

1. Sa loob ng kasunod na kahon, gawan ng concept map ang salitang babae.



 

“Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo” (Ni Rolando A. Bernales)

CASIO, HIZEL JANE P.  BSCRIM 2-E  “Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo” (Ni Rolando A. Bernales) Ang pagiging bakla a...