Sunday, October 17, 2021

Sanayan lang ang Pagpatay ni Fr. Albert Alejo, SJ

 HIZEL JANE P. CASIO 

BSCRIM 2E


SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

Fr. Albert Alejo, SJ

(Para sa sektor nating pumapatay ng tao)


Pagtataya:

Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri:

Gabay sa Pagsusuri


1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?

       Ang personang nagsasalita sa tula ay si Fr. Albert Alejo, SJ, na kung saan isinasaad nya sa tulang ito kong paano ang pagpatay ay isang kasanayan ng mga taong masikumara itong gawin, kahit ito pa ay isang kasalanan. Hinahalintulad nya ang isang butiki ang kanyang mga karanasan na kung saan bata pa lamang nagawa nya mismo kong paano ito patayin,  ipinapakita lamang na ang pagpatay ay walang pinipili kahit pa ito’y maliit o malaki mapa hayop o tao man. 

2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao?

       Ang hayop na pinaslang sa tula ay ang isang butiki, na kong saan inilahad at inihalintulad ng may akda ang pagkamatay nito sa tao. Butiking nakatitig sa kisame na binalibag ng tsinelas o ang pag pumilantik ng lampin hanggang sa ito’y mapatay. At tulad ng tao alam natin ang krimenal ay isang krimenal, kahit inosente kaman at walang kasamaang ginagawa may mga pagkakataon parin na kahit ikaw mismo ay hindi pinapalagpas, masasabi kong lahat ay walang pinipili mapa hayop o tao man, kaya sa kabila nito ang pakatandaan lamang natin ay ang gumawa ng kabutihan dahil,  ang napakagandang pagsukli sa kasamaan ay ang kabutihan. 

3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?

       “Habang ako’y pumapatay, kayo nama’y nanonood.”

       Ang huling taludtud ay isang paala-la na sa lahat ng ating ginagawa ay may mga matang naka bantay. Mga taong nagmamasid sa ating bawat kilos, sa bawat pagkakamali at kasamaang binabalak. Alam natin minsan may mga katanggap-tanggap na dahilan kong ang isang tao man ay nakapatay, nakikita nga ng ganap ng ating mga mata ngunit hindi naman natin nauunawaan ang sa likod ng tunay na pangyayari. Mapanghusga ang bukas na mga mata at sarado naman ang isipan, ngunit sa lahat isa lamang ang sigurado ang diyos ay nakakakita ang lahat, at sa huli siya lamang ang higit na makakapaghusga sa atin. 

4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila?

       Ang tula ay iniaalay para sa lahat ng mag tao, lalong-lalo na sa sektor ng ating lipunan na pumapatay ng tao. At para sa akin isa sa halimbawa nito ay ang ating mga kapulisan, sila ang nangangalaga para sa ating kaayusan sa pagpapatupad ng mga batas. Ngunit kaakibat rin ng kanilang pagsisilbi ay ang pagpaslang sa mga lumalabag nito, mga kriminal na gumagawa ng karumal-dumal na krimen. Ito man ay kasalanan sa batas ng tao at diyos, ngunit lagi nating tandaan na kailangan din natin pahalagahan kung ano ang nasa tama, at kung saan tayo papanig. 


Mungkahing Gawain:

1. Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel hinggil sa kasong nasaliksik.

     Ang aking nasaliksik ay tungol sa pagpaslang ng pulis na si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca sa mag inang biktima na sina Sonya Gregorio, 52 at Frank Anthony Gregorio, 25 sa Barangay Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac . Ang karumal-dumal na pagpatay sa mga suspek at biktima ay sinabi nitong nagsimula sa paputok ang kaguluhan dahil pinuntahan ni Nuezca ang mga biktima para sitahin at nauwi sa pagtatalo ang pag-uusap ng magkabilang panig dahil naungkat ang matagal nang alitan nila tungkol sa right of way. 

    Matapos sumuko sa kapulisan ng Pangasinan ay kinasohan ng double murder laban kay Nuezca at ito nga ay nakulong, dahil sa aksyon ng mga nasa itaas na kapulisan, lalong-lalo na ng administrasyon ay nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mag-inang Gregorio. 

       Ang pangyayaring ito ay naging usap-usapan sa social media kung saan naging viral pa ito. Ang video ay umani ng napakaraming reaksyon at pagbatikos sa sektor ng kapulisan, ngunit lagi nating pakatandaan ang pagkakamali ng isa ay hindi kasalanan ng lahat, at sana yun ang makita ng karamihan. Ang napakahalaga ay napagbayaran rin ng totoong may sala ang kasamaang nagawa at sa lahat ng pagkakataon,  buksan natin ang ating mga mata at isipan sa kong ano ngaba ang katotohanan. 

2. Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba’t ibang isyu ukol sa karapatang pantao;

       Nang maisilang tayong bawat tao sa mundo ay may kaakibat na tayong karapatan, ang karapatang mabuhay, karapatang mabigyan ng pangalan, at pangangailangan na unang-unang ibinibigay ng ating pamilya lalong-lalo na ng ating mga magulang. Hubogin bilang isang malayang nakakamit ang karapatan na maging isang mabuting tao at mamamayan sa lipunang kasalukuyan nating ginagalawan, maging isang prudoktibong indibiduwal na makakaambag sa karamihan.

         Karapatan ay ang mabuhay ng tahimik at payapa, karapatang pinagsisikapang ibigay ng ating pamahalaan, na dapat makamtan ng bawat pamilya ang siguridad ng ating mga kapulisan. Karapatan din ng isang tao ang makapag-aral at makahanap ng magandang trabaho dahil naniniwala ako na ang bansa na nakakamit ng mamamayan ang bawat karapatan, ito ay isa sa magiging daad upang ang lahat ay may kaayusan, walang away o gulo man. At magpapatuloy sa pag ulad ng lipunan, Kong ang lahat ay nagtutulongan, lahat ay aangat ay walang maiiwan.

3. Mapahahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan.

       Ang panitikan ay repleksyon ng buhay na nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng tao. Ang mga may akda ay may hangarin sa pagpapakita o pagpapamulat sa mga tao, lalong-lalo na sa mga mambabasa kong ano ang tunay at realidad na nangyayari sa kasalukuyan. Ito ay isang paraan upang hindi lamang ang may mga may akda o manunulat lamang ay mayroong kamalayan sa ganitong bagay, kundi pati narin sa pangkalahatang sektor sa ating lipunan. Ang pagpalaganap sa mga mamamayan ng katotohanan, nasa mababa man o itaas ay napakahalaga upang ang lahat ay may kaayusan. 


Sunday, October 3, 2021

"Iskwater" Ni Luis G. Asuncion

CASIO, HIZEL JANE P.      

BSCRIM 2-E

 

Iskwater

Ni Luis G. Asuncion

Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan

 

Pagtataya:

1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?

Ang sentral na paksa ng sanaysay ay tungkol sa realidad na nangyayari sa ating lipunan, lalong-lalo ang pamumuhay o ang buhay sa isang iskwater, na kong saan ipinapakita ng manunukat sa mga mambabasa kong ano ngaba ang tunay na estado ng mga naninirahan sa lugar na iyon. Ang kawalan ng suporta ng gobyerno sa kalagayan at estado ng mga taong naninirahan doon ay nagbibigay dahilan upang mas lumala pa ang kahirapan sa ating bansa.

2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.

“IIang beses na rin nag banta ang pamahalaan na idemolis ang mga bahay”. Para sa akin hindi tuwiran ito, dahil kapag ito ay mangyaring may dahas, ang mas lalong maging kawawa dito ay ang mga naghihikahus na mahihirap. Tulad ng sinabi sa sanaysay marami din sa kanila ang gustong makaalis ngunit paano, wala silang malilipatan at perang makapagpatayo ng kanilang sariling bahay. Ang gobyerno sana natin mismo ay makapagbigay ng naayon na suporta upang matugonan ito. Bigyan ng disenteng lugar na matitirahan, pangkabuhayan at perang pansimula para sa kanilang panibagong buhay.

3. Ano ang layunin ng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag.

Ang layunin ng may akda ay upang ipakita sa lahat, na hindi lamang pala ang mahihirap ang naninirahan sa iskwater bagkos may mga mayayaman pa pala. Sa pamamagitan ng sanaysay, ipinapamulat ng may-akda kong ano ngaba ang totoo at tunay na realidad na nangyayari sa ating lipunan ng sa gayon ang mga mambabasa ay magkaroon ng kamalayan sa ganitong bagay.

4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit?

Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?

Ang sinasang-ayunan ko sa sanaysay ay ang ideyang, “Ang mahihirap ay 'di kailan man makakatira sa lugar ng mga mayayaman. Pero ang mga mayayaman ay maaaring manirahan sa lugar ng mga mahihirap ano mang oras nilang gastusin.” Alam nating lahat na pagdating sa estado ng buhay, ang mahihirap ang parating dihado, hindi binibigyan ng pantay na pribilehiyo. Kapag mayaman o nakakaangat sa buhay kahit anuman gustohin nilang gawin, nagagawa nila kahit may mga nasa ibaba pa silang inaapakan at dinadihado.

Ang hindi ko naman sinasang-ayunan ay ang sinabing “Ipinanganak akong mahirap, at mamatay din yata akong mahirap”. Dahil hawak ng iyong mga palad ang iyong kapalaran. Oo, ipinanganak kang mahirap, ngunit hindi ibig sabihin nito ikaw ay mamamatay na lamang na mahirap, kong ikaw ay magpupursigi, samahan ng deskarte at pananalig sa diyos, lahat walang imposible. Naniniwala ako na mas masarap makamtan ang ginhawang buhay kong pinagsisikapan at pinaghihirapan.

5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.

Tulad ng mga karamihan na naninirahan sa squatters area, ang kahirapan ay siyang nadanas ko din ng aking pamilya, ngunit tulad ng sabi ng may akda isinasaad nya sa sanaysay ang kanyang kagustohan makaalis sa hirap ng iskwater, at tulad nya gusto ko rin maka-alis, maka-alis sa kahirapan ng buhay. Gustong kong maahon ang aking pamilya at mapawi manlang ang lahat ng kahirapang aming nadanas sa buhay. Balang araw alam ko masusuklian ko din ang lahat ng kahirapan ng aking mga magulang maibigay lang ang lahat ng aming pangangailangan.

6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.

Mahalaga ang pagtalakay nito dahil karamihan sa atin ngayon, lalong-lalo na ang mga kabataan na kapag marinig natin ang salitang “iskwater” ang unang-unang pumapasok sa atin isipan ay tirahan ng mga mahihirap lamang, ngunit hindi pala. Kaya para sa akin ng matapos kong basahin ang sanaysay nabago at minulat nito ang aking pananaw tungkol sa kahulugan ng iskwater, dahil mali pala ang pagkaka-alam ko, marami rin palang mayayaman o nakakaangat sa buhay ang naninirahan na siyang pilit nakikipag siksikan sa lugar na ito.

7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.

Sa kasalukuyan ang kahirapan ay siyang papatay sa ating lipunan. Mula noon at hanggang ngayon ito parin ang pangunahing problema ng ating bansa, kakulangan ng trabaho, walang disenteng bahay, at malala pa sa lahat ang walang makain, mga pangunahing pangangailangan at karamiha’y hindi ito nakakamtan. Ngayon, tayo ay nasa ilalim ng pandemya, marami sa ating lahat ang naapektuhan nito lalong-lalo na ang mga nasa mababang sektor ng ating lipunan, at ito ang mga mahihirap. Mga mahihirap na siyang naghihikahus, at minsa’y inaabuso pa ng mga nasa taas. Tulad sa ating nabasang sanaysay, maraming mayayaman ang patuloy na sumisiksik sa lugar na akala natin ay tirahan lamang ng mga mahihirap, ngunit hindi pala. Hindi natin akalain na sa antas ng kanilang katayuan sa buhay ay magagawa nila ito. Huwag sana apakan ng mga taong nasa taas ang mga nasa ibaba, maging katarungan sa pagbibigay ng karapatan at patas  sa lahat, anuman ang estado nito sa buhay.

Mungkahing Gawain

11.Gawan ng concept map ang salitang iskwater sa loob ng kahon.




 



“Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo” (Ni Rolando A. Bernales)

CASIO, HIZEL JANE P.  BSCRIM 2-E  “Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo” (Ni Rolando A. Bernales) Ang pagiging bakla a...