CASIO, HIZEL JANE P.
BSCRIM 2-E
SEPTEMBER 16,2021
Isang Dipang Langit
Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang
malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
Sa munting dungawan, tanging
abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata
ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo’y tila isang
tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsa’y magdaan ang
payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi’y
biglang magulantang
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig
ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
Nguni’t yaring diwa’y walang
takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao’t Bathala ay di
natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.
At bukas, diyan din, aking
matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!
Bartolina ng Muntinlupa – Abril 22, 1952
IKALAWANG GAWAIN:
1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang
“Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez.
- Suriin kung anong uri ng tula?
Ito ay tulang elehiya, dahil ang tula ay nagsasaad ng matinding kalungkutan.
-Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pag susuri?
Teoryang Sosyolohikal
-Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng
persona sa tula.?
Karanasan sa buhay ng isang bilanggong nagdurusa at ang hangarin
na makalaya.
- Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong
nagustuhan at bigyan kung bakit mo ito napili.
“At bukas, diyan din, aking
matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!”
Ang ika-sampu o
pinakahuling saknong ng tula ang aking napinili
dahil, ipinapakita sa minsahe na sa kabila ng mga pagsubok, paghati at
paghihirap ng kanyang naranasan sa loob ng bilanggoan ay mayroon paring pag-asa.
Ang pag layang hinahangad, kong saang wala ng luha bagkos kasiyahan ng tagumpay
sa paglaya, na lamang ang makikita.
2. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V.
Hernandez sa loob ng 50 na salita. At bukas, diyan din, aking matatanaw
Si Amado V. Hernandez ay
isinilang noong Setyembre 13, 1903 sa Tundo, Maynila, at supling nina Juan
Hernandez at Clara Vera. Siya ay kilala bilang isang makata, nobelista,
mandudula, peryodista, at itinanghal na Orden ng mga Pambansang Alagad ng
Sining sa larangan ng panitikan. Ilan sa kanyang mga sinulat ang Isang
Dipang Langit (1961), Luha ng Buwaya at Ibong Mandaragit(1969) at
marami pang iba. Nabilanggo siya at nililitis. Napawalang-sala siya noong 1964
at nagpatuloy sa pakikilahok pampolitika hanggang mamatay noong 24 Marso 1970.
3. Gawing maikling kuwento ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez.
Ang maikling kuwento na may pamagat “Alipin ng Kahirapan”, ay halaw sa tulang “Isang Dipang Langit”.
Alipin ng Kahirapan
Lumaki sa kahirapan sa
Tondo Maynila, ang batang nangangalang Amando, bata pa lamang sya nang namatay
ang kanyang ama at ina. Dahil sa kahirapan wala ding kamaganak ang gustong
kumuha sa kanya. Naging palaboy-laboy sa kalye at lumilimos ng pera maitawid
lang ang sarili sa sikmurang gutom na. Namumulot din sya ng mga bote at bakal
na pwede pang ibenta, dahil sa nakitaang
pagpupursigi binigyan sya ng iskolarsip at ngayon pinagsisikapan nya ang
kanyang pag-aaral ng sa gayon makamtan nya ang kanyang pangarap sa buhay.
Naipapakita
ng kwento na ang determinado’t dedikadong tao’y hindi kailanman man
magpapadausdos sa mga dagok sa buhay. Gaya sa tula “Isang Dipang Langit” ni
Amado V. Hernandez na sa kabila ng paghihirap mayroon paring pananalig at pag-asang
makalaya.